Home NATIONWIDE Barzaga sa Ethics panel: Expel me!

Barzaga sa Ethics panel: Expel me!

185
0

MANILA, Philippines – Magdaraos ng pagdinig ang House Committee on Ethics and Privileges sa susunod na linggo ukol sa posibleng panibagong parusa laban sa suspendidong Cavite 4th district Rep. Francisco “Kiko” Barzaga, ayon kay Committee Chair 4Ps Party-list Rep. JC Abalos.

Ayon kay Abalos, ipinasa ng plenaryo ang mosyon na nag-uutos kay Barzaga na dumalo sa pagdinig at bibigyan siya ng pagkakataon na ipresenta ang kanyang panig at ebidensya.

Sisiguraduhin din ng komite na maipapadala sa lahat ng miyembro ang kopya ng kaugnay na privilege speech, habang maaaring maghain ng karagdagang dokumento ang mga nagrereklamo.

Ang bagong imbestigasyon ay bunsod ng privilege speech ni Manila 2nd district Rep. Ronaldo Valeriano, na kumondena kay Barzaga dahil sa patuloy na pagpo-post ng mga mapanirang komento online habang nasa 60-araw na suspensyon nang walang sahod. Humihiling si Valeriano ng panibagong 60-araw na suspensyon.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Barzaga, 27: “I will be ignoring the summons of the Ethics Committee, expel me if they want, but the Philippine Congress has done nothing but destroy the lives of the Filipino People.”

Inaasahang babalik siya sa trabaho sa susunod na linggo. Maaaring irekomenda ng ethics panel ang parusang hanggang expulsion mula sa Kapulungan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here