MANILA, Philippines – Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla noong Huwebes na maaaring ibalik sa Pilipinas ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy kung matutunton ang kanyang pagkakasangkot sa korapsyon.
“Kung nambubuwisit talaga ito, sasampulan ko. Kukunin ulit natin. Meron, kung he was part of, kung corruptor siya, kasama siya doon sa charge,” ani Remulla sa Unang Balita.
“Extradition lahat ‘yan. Nasa Russia siya ngayon. Doon namin dinala,” dagdag niya.
Nilinaw ni Remulla na ang pagkakakulong kay Vitaly ay nasa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) at hindi ng Department of the Interior and Local Government.
Matapos ang deportasyon, ibinahagi ni Zdorovetskiy sa social media ang kanyang karanasan sa kulungan sa Pilipinas, na diumano’y naitala niya matapos suholin ang mga jail guard at makalusot ng cellphone sa kanyang selda. Ilang tauhan ng BI ang nagbitiw o tinanggal sa kanilang mga posisyon kasunod ng insidente. Santi Celario