Home ENTERTAINMENT Vice, may parinig sa mga guest ng It’s Showtime!

Vice, may parinig sa mga guest ng It’s Showtime!

226
0

Manila, Philippines – Nagparinig si Vice Ganda sa mga celebrities na naging guests sa kanilang noontime show na It’s Showtime.

Ayon sa kanya, dapat maging masigla ang mga ito kapag umeere na sa show, lalo na kung may ipo-promote.

Sa January 21 episode ng nasabing programa, nag-guest sina Beauty Gonzalez at Kris Bernal para i-promote ang kanilang drama series.

Dito, pinuri ni Vice ang dalawa sa pagiging aktibo sa mga laro at dance segments ng noontime show.

Sabi ni Vice, sa lahat ng artistang nakilaro sa kanilang segment, sina Kris at Beauty lang daw ang super dance. In-enjoy daw ng dalawa ang kanilang guesting.

Inihambing niya ang energy nina Kris at Beauty sa iba pang guest stars nila na, ayon sa kanya, tila mahiyain o tamad, kaya’t tinawag niya ang mga ito na maarte.

Nagpo-promote raw ang mga ito ng kanilang mga pelikula o serye tapos nahihiya.

Dapat daw ay may energy katulad nga ng dalawang aktres na nabanggit.

Nagtanong naman ang kanyang co-host na si Jhong Hilario kung sino ang tinutukoy niya na mga artista, pero hindi ito sinagot ni Vice at nagbiro na mula daw sa ibang network.

Dahil sa nangyari, agad itong naging usap-usapan sa social media at nagbigay-daan sa netizens na man-speculate kung sino ang guest stars na tinutukoy ng Unkabogable Star.

Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here