Home NATIONWIDE Maintenance staff ng mall sa Cavite, tiklo sa pagpuslit ng electric wire

Maintenance staff ng mall sa Cavite, tiklo sa pagpuslit ng electric wire

2
0

MANILA, Philippines – Isang maintenance staff ang kaagad na dinakip makaraan umanong maaktuhang may itinatagong stranded electrical wire sa loob ng kanyang pantalon sa isang mall sa Dasmariñas City, Cavite.

Sa report ng Dasmariñas Component City Police Station (CCPS), dakong 6:50 ng gabi nang magsagawa ng regular na security inspection ang mga security personnel ng Waltermart Dasmariñas sa Aguinaldo Highway, Barangay Zone 1 ng nasabing lungsod.

Kabilang sa kanilang sinuri ang mga silid at restricted areas, partikular ang electrical room na mino-monitor dahil sa mga naitalang ulat ng nawawalang mga kagamitan rito.

Habang nagsasagawa ng inspeksiyon, napansin umano ng mga security personnel ang suspek na palabas ng electrical room.

Dahil dito, isinailalim siya sa beripikasyon at dinala sa security office.

Sa ginawang pagsusuri, napansin umano ng mga security personnel ang stranded electrical wire na nakatago sa loob ng kanyang pantalon.

Nahaharap sa kasong Attempted Qualified Theft, Article 310 in relation to Article 308 ng Revised Penal Code ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here