Home ENTERTAINMENT Luis, nalabong nangurakot!

Luis, nalabong nangurakot!

213
0

Manila, Philippines – As we all know, natalo si Luis Manzano sa nakaraang halalan para sa lokal na puwesto, pero hindi naman siya tinigilan ng kaliwa’t kanang bashing.

Luis was gunning for a vice gubernatorial seat in the province of Batangas.

Ayon sa ilang netizens, kaya raw nais pumuwesto ng TV host-actor ay para mabawi nito ang nalugi sa kanyang negosyo.

Many are aware that Luis has ventured into a string of businesses.

And what better way to recoup his business losses than seeking to get elected, lalo’t expected na raw ang kanyang pagkapanalo.

But sorry to disappoint Luis’ bashers and critics alike.

‘Di hamak kasi ang naniniwalang napakaimposibleng mangurakot si Luis.

Unang-una, hindi ang tipo ng ina niyang si Vilma—who has a spotless record of corruption all throughout her 27 years in public service—will ever allow Luis—including his other son Ryan Christian—to put their revered name at stake.

“Ang unang-unang makakalaban ni Luis pag nagkataon, eh, ang nanay niya! It is something Vilma won’t ever tolerate!” depensa ng marami kay Luis.

Isinahalimbawa nga ng mga ito ang kasong kinapalooban ni Luis sa itinatag nilang fuel business.

Ito’y kung saan napatunayan na nagbitiw na si Luis bilang incorporator nito even before nabisto ang investment scam na ang may gawa ay tumayong best man pa mandin niya sa kasal nila ni Jessy Mendiola.

On behalf of Luis, nga’y nagsalita si Vilma in her guesting on Fast Talk with Boy Abunda that she knows her son well enough.

Later on, nga’y lumabas ang katotohanan na walang kinalaman at pananagutan si Luis base sa paratang ng mga nag-invest sa nasabing negosyo.

Therefore, Luis will never stake his mom’s reputation, which the latter has preserved all these years.

Klaro?
Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here