Home METRO 8-anyos na nawawalang anak ng pinaslang na policewoman, natagpuang bangkay

8-anyos na nawawalang anak ng pinaslang na policewoman, natagpuang bangkay

177
0

MANILA, Philippines — Natagpuang patay sa Victoria, Tarlac ang nawawalang anak ng pulis na una nang natagpuang patay sa Pulilan, Bulacan, kinumpirma ng mga awtoridad nitong Huwebes.

Base sa ulat na isang bangkay ang natagpuan Huwebes ng hapon sa Barangay Maluid, Victoria.

Kinagabihan, sinabi ni Victoria Chief of Police Major Marty Calara na kinumpirma ni Police Senior Master Sergeant John Mollenido, dating asawa ng biktima, na ang natagpuang bangkay ay ang kanilang anak.

Ang ina ng bata na si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido ay matatandaang natagpuang patay noong Enero 24 sa isang sapa sa kahabaan ng Pulilan-Baliuag Bypass Road sa Barangay Dulong Malabon, Pulilan, na may tama ng bala sa ulo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa ikinamatay ng bata.

Sinabi naman ni John na nauunawaan niyang kabilang siya sa mga person of interest sa kaso.

“Kasi ‘yun nga, dati kong asawa. May mga bagay na di namin napagkakaunawaan. Naawa ako kasi doon sa sinapit niya, di naman niya deserve yung ganung ano,” ani John.

Samantala, iniimbestigahan din ng pulisya ang posibleng pagkakasangkot ng isang car sales agent na itinuturing na ngayong person of interest sa pagpatay sa pulis. Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong may kinalaman sa pera matapos ang isang transaksyon sa pagbebenta ng sasakyan.

“Since nagkaroon ng transaction, tinitingnan natin ang anggulo na dahil po ito sa pera,” ayon kay Southern Police District spokesperson Lieutenant Margaret Panaga.

Sinabi ng pulisya na ang nasabing agent ay inaanak ng biktima at nagsilbing middleman sa pagbebenta ng sasakyan.

“Inaanak ng victim sa kasal ‘tong agent po. ‘Yung trust po nandoon since kakilala po ni victim ‘tong si agent, siya po naging middle man sa pagbebenta ng sasakyan nila,” dagdag ni Panaga.

Nawawala pa rin ang agent. Nagsagawa na ng search ang mga awtoridad sa kanyang bahay sa Quezon City, kung saan huling nakitang buhay ang pulis, at ang mga bakas ng dugo na narekober doon ay isasailalim sa DNA testing.

“For confirmatory pa po ‘yun kung ito po ay human blood. Ima-match po sa DNA ng victim,” ani Panaga. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here