Home HOME BANNER STORY Pagpayat ni PBBM dahil sa kahihigop ng sabaw – Recto

Pagpayat ni PBBM dahil sa kahihigop ng sabaw – Recto

205
0

MANILA, Philippines – Dahil sa ‘soup diet,’ kapansin-pansin ang pagpayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang pre-recorded video message na idineliver sa Philippine National Police (PNP) Day celebration sa Camp Crame, Huwebes.

Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na ang Pangulo ay nag-‘soup-only diet’ sa nakalipas na ilang araw.

Si Recto ang kumatawan sa Pangulo sa nasabing event, habang pinayuhan ng kanyang mga doktor ang Pangulo na magkaroon ng mahabang linggong pahinga.

“Looks like [it],” ang sinabi ni Recto nang usisain ng media ang tungkol sa pagpayat ng Pangulo.

“Kung kayong lahat ay kumain lang ng sabaw ng tatlo o apat, limang araw, eh talagang papayat ka,” aniya pa.

Sa ngayon, aniya, nasa mabuting kondisyon na ang Pangulo at inaasahan na magbabalik sa kanyang mga regular na aktibidad sa susunod na linggo.

Sa kabilang dako, ang hindi pagdalo ng Pangulo sa naturang event ay muli namang pinagmulan ng tsismis online na hindi pa rin maganda ang kondisyon ng kanyang kalusugan.

Ayon naman sa Malakanyang, bagaman maganda na ang kondisyon ng kalusugan ng Pangulo, pansamantala pa ring limitado ang kanyang engagements sa mga private meetings.

Nang tanungin si Recto kung paiimbestigahan ang kumakalat na pekeng medical report ng Pangulo, sinabi niya na hindi pa niya nakakausap ang Pangulo sa bagay na ito, subalit posible aniya ang imbestigasyon.

Aniya pa, “well aware of any issue” si Pangulong Marcos, kabilang na ang impeachment complaints na isinampa laban sa kanya sa Kongreso.

— Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here