Home NATIONWIDE Bayan sa Sulu idineklara nang gun-free, peace center community

Bayan sa Sulu idineklara nang gun-free, peace center community

211
0

MANILA, Philippines — Opisyal nang idineklara ang bayan ng Omar sa Sulu bilang gun-free area at peace center community matapos pagtibayin ng Sangguniang Bayan ang isang resolusyon bilang bahagi ng pinaigting na adbokasiya sa kapayapaan at kaayusan.

Pinuri ng Army’s 11th Infantry Division (11ID) ang hakbang na ito, na binasa ni Vice Mayor Juddin Nur Pantasan sa isang seremonya nitong Huwebes, Enero 29 sa covered court ng Barangay Lahing-Lahing.

“Pinagtitibay ng resolusyon ang matibay na paninindigan ng bayan ng Omar sa kaligtasan ng publiko at pangmatagalang kapayapaan,” ayon sa 11ID.

Nagpasalamat naman si Mayor Abdulbaki Ajibon sa mga barangay official at security forces sa kanilang pagkakaisa at suporta, at iginiit na mahalaga ang tuloy-tuloy na dayalogo at kooperasyon upang mapanatili ang deklarasyon.

Ayon kay Brig. Gen. Alaric Avelino Delos Santos, commander ng 102nd Infantry Brigade, naging posible ang tagumpay dahil sa kahandaan ng mamamayan na yakapin ang kapayapaan.

“Tagumpay ang seguridad kapag mismong komunidad ang nagmamay-ari ng kaayusan,” aniya.

Pinuri rin ni Maj. Gen. Leonardo Peña, commander ng 11ID, ang sama-samang pagsisikap ng lahat ng sektor at nanawagan na pangalagaan ang mga nakamit para sa susunod na henerasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here