MANILA, Philippines – Naglunsad ng libreng sakay ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga pasaherong bumibiyahe sa rutang Isabela City, Basilan at Zamboanga City kasunod ng direktiba ng Department of Transportation.
Isinasagawa ang libreng biyahe gamit ang BRP Tubbataha upang matiyak na makatawid pa rin ang mga pasahero habang may limitadong operasyon ng ilang passenger vessels sa lugar.
Prayoridad sa programa ang mga senior citizen, persons with disabilities, buntis, at mga bata, habang pinapayuhan ang mga pasahero na magdala ng valid ID para sa beripikasyon.
Sinimulan ang libreng sakay kahapon, Enero 29 at nagpapatuloy ngayong araw upang matulungan ang mga biyaherong apektado ng pansamantalang kakulangan ng biyahe sa ruta.
“The Philippine Coast Guard (PCG)’s BRP Tubbataha (MRRV-4401) conducts a free ride program for sea passengers from Isabela City, Basilan ging to Zamboanga City and Vice Verna in compliance with the directors of Department of Transportation (DOTr),” ayon sa PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden