LEYTE, Philippines – Nanatiling ipinatutupad ang pagbabawal sa pagkain ng shellfish sa Matarinao Bay sa Eastern Samar at sa baybayin ng Leyte, matapos kumpirmahin ng laboratory tests ang red tide toxins.
Ayon sa BFAR, positibo sa saxitoxin, na nagdudulot ng paralytic shellfish poisoning, ang shellfish mula sa Matarinao Bay na sakop ang General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo.
Dahil dito, bawal kainin ang lahat ng shellfish at Acetes species (alamang) mula sa lugar.
Patuloy din ang lokal na red tide warning sa baybayin ng Leyte matapos positibo sa paralytic shellfish toxin ang mga sample ng shellfish.
Pinayuhan ng BFAR ang publiko na huwag manghuli, magbenta, o kumain ng shellfish, alamang, at hipon mula sa apektadong tubig.
Ayon sa BFAR, ligtas pa rin kainin ang sariwang isda, pusit, hipon, at alimango kung maayos na nilinis, at dapat alisin ang mga internal organs tulad ng bituka at hasang bago lutuin. RNT/MND