Home METRO Seguridad sa Iloilo airport tiniyak matapos insidente ng tangkang pananaksak

Seguridad sa Iloilo airport tiniyak matapos insidente ng tangkang pananaksak

193
0

ILOILO, Philippines – Siniguro ng mga awtoridad ang seguridad sa Iloilo International Airport sa Cabatuan matapos ang insidente noong Miyerkules, ayon kay Governor Arthur Defensor Jr.

Na-detect ng X-ray screening machine sa ikatlong palapag ang isang bladed weapon sa bagahe ng 54-anyos na pasahero. Sa halip na isumite ito sa pulisya, sinubukan ng pasahero na tumakas at manaksak ang isang opisyal, dahilan upang barilin siya ng awtoridad. Dinala ang suspek sa ospital at isinampa laban sa kanya ang kaso ng direct assault na may attempted homicide.

Ani Defensor, walang lapses sa screening at hindi kailangan ibalik ang dating screening stages, dahil iniutos ng Department of Transportation ang pagbabawas nito para sa kaginhawaan ng mga biyahero. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here