MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na itinaas ang minimum jackpot prizes sa lahat ng major lotto games simula Pebrero 1.
Ang bagong minimum jackpots ay:
–Lotto 6/42 – P10 milyon
–Mega Lotto 6/45 – P15 milyon
–Super Lotto 6/55 – P25 milyon
–Grand Lotto 6/55 – P45 milyon
–Ultra Lotto 6/58 – P75 milyon
Ayon kay PCSO GM Melquiades Robles, layunin ng mas mataas na starting jackpots na gawing mas kapana-panabik at rewarding ang bawat draw.
Patuloy na lalaki ang jackpot kung walang mananalo.
Dagdag niya, bawat tiket ay hindi lang pagkakataong manalo kundi kontribusyon sa mga health at social welfare programs ng bansa.
Kasabay nito, inanunsyo rin ng PCSO na mula Pebrero 1, 2026, ang lahat ng jackpot-bearing lotto tickets ay magkakahalaga na ng P25, mula sa dating P20. RNT/MND