Home NATIONWIDE Labi ng anak ng napatay na pulis na-cremate na sa Tarlac

Labi ng anak ng napatay na pulis na-cremate na sa Tarlac

253
0

MANILA, Philippines – Na-cremate na ang labi ng walong taong gulang na si John Ysmael Mollenido, anak ng napatay na policewoman na si Diane Marie Mollenido.

Nangyari ang cremation sa Tarlac City at sinaksihan ng ama ni John Ysmael na si Police Senior Master Sergeant John Mollenido.

Bagamat pumirma na si John Mollenido ng waiver, na-delay ang cremation na itinakda sana ng tanghali dahil sa paggiit ng Philippine National Police na mayroong miyembro ng pamilya ang sumaksi rito.

Si John Mollenido ay tinukoy bilang person of interest ngunit sinabing handa siyang makipagtulungan sa anumang imbestigasyon sa krimen.

Noong Enero 24, si Diane Marie, 38-anyos, ay natagpuang patay sa creek sa Pulilan, Bulacan na may tama ng bala ng baril sa ulo.

Limang araw makalipas nito, natagpuan naman si John Ysmael sa calamansi farm sa Victoria, Tarlac.

Ayon sa pulisya, ang bata ay namatay sa asphyxia by suffocation.

Samantala, tatlong suspek ang naaresto sa residential area sa Novaliches, Quezon City nitong Biyernes.

Nakuha naman ang cellphone at P100,000 cash ni Diane Marie sa bahay ng mga suspek.

Narekober din sa Pampanga ang sport utility vehicle (SUV) na pinaniniwalaang nagbiyahe ng mga katawan ng biktima.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here