Home METRO 6 taniman ng marijuana sa Benguet, winasak ng PNP

6 taniman ng marijuana sa Benguet, winasak ng PNP

235
0
via PNP

BENGUET, Philippines – Sinira ng mga awtoridad noong Linggo ang halos ₱9.3 milyong halaga ng fully-grown marijuana plants at tuyong dahon ng marijuana sa anim na plantasyon sa Kibungan, Benguet, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Isinagawa ang operasyon ng mga yunit ng PNP mula alas-6 ng umaga hanggang alas-1:30 ng hapon, at saklaw ang anim na marijuana plantation na may kabuuang lawak na 3,650 square meters sa communal forest land.

Bunot ang 19,350 fully-grown marijuana plants at nadiskubre rin ang 45 kilo ng tuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops na nagkakahalaga ng ₱9.27 milyon.

Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., “We will relentlessly pursue illegal drug sources wherever they are hidden. Our campaign is focused on dismantling supply at its roots.”

Dagdag pa niya, “Operations like this send a clear message that the PNP is present even in far-flung areas.”

Bago ang pagsira sa mga taniman, nagsagawa muna ng area reconnaissance at nagtayo ng observation post ang mga awtoridad upang mahuli ang mga nagtatanim, ngunit walang naaresto.

Lahat ng fully-grown marijuana plants ay binunot at ang mga tuyong dahon na may fruiting tops ay idinokumento at sinunog sa mismong lugar. May mga sample rin na isinumite para sa forensic examination. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here