Home HOME BANNER STORY House Justice panel sisilip sa impeachment complaints vs. PBBM

House Justice panel sisilip sa impeachment complaints vs. PBBM

201
0

MANILA, Philippines – Magsisimula sa ngayong Lunes, Pebrero 2, ang public hearings ng House Committee on Justice upang alamin kung sapat sa porma at nilalaman ang dalawang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Pamumunuan ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang mga pagdinig na sisimulan alas-10 ng umaga.

Tatalakayin ng komite ang mga verified impeachment complaint na inihain ng abogado na si Andre de Jesus at ng mga dating Makabayan congressmen at militant group leaders.

Ito ang unang pagkakataon na umabot sa yugtong ito sa House of Representatives ang impeachment laban kay Pangulong Marcos, bagama’t mahaba pa ang prosesong dadaanan. Inaasahang maririnig ang opening statements ng mga complainant at posibleng pagsamahin o i-consolidate ang dalawang reklamo. Ayon kay Luistro, naka-iskedyul ang araw-araw na pagdinig hanggang Miyerkules.

Layunin ng mga pagdinig na alamin kung papasa ang mga reklamo sa sufficiency in form at sufficiency in substance. Kapag pumasa, saka lamang ito maaaring i-endorso para sa pag-apruba sa plenaryo.

Sinabi ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na boboto ang mga miyembro ng komite ayon sa kanilang konsensya.

“Handa po ang buong committee na dinggin ‘yung dalawang tanong–sufficiency in form and sufficiency in substance–nung dalawang impeachment complaints na filed laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong R. Marcos Jr,” aniya.

Dagdag pa niya, “Impeachment proceedings will always be based on facts, it will be based on evidence, and decisions relating to the impeachment will be based on the conscience of every House member.” Aniya, hindi makaaapekto ang mga pananaw mula sa labas ng Kongreso sa magiging desisyon ng mga mambabatas.

Ipinaliwanag din ni Ridon na ang Konstitusyon pa rin ang magiging gabay sa pagtalakay ng mga reklamo. “Kasi ultimately ang pag-usapan po, sa anumang mga impeachment proceedings, ano ba ang batayan? Culpable violation of the Constitution ba ‘yan? Betrayal of public trust ba yan?” aniya, at idinagdag, “Antabayanan po natin yung paglalahad ng complainants ng lahat ng kanilang magiging batayan dito sa pagsasampa ng kaso kay Pangulong Marcos.”

Isinasagawa ang mga pagdinig sa gitna ng mga ulat hinggil sa kalusugan ng Pangulo, bagama’t sinabi ni Marcos na siya ay bumubuti na ang pakiramdam. Ayon kay Luistro, karapatan lamang at hindi obligasyon ng Pangulo ang dumalo sa pagdinig.

“It is actually his (Marcos) prerogative whether to come or not to come. If he will choose not to come, that will be interpreted as a waiver of his right to be present during the hearing,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here