Home METRO Lalaking may asawa, arestado sa “sextorion” sa Antipolo

Lalaking may asawa, arestado sa “sextorion” sa Antipolo

188
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Antipolo City ang isang lalaking may asawa matapos umano siyang mag-blackmail sa dating nobya na makipagtalik sa kanya kapalit na hindi ipakalat ang kanyang nude photos at videos.

Ayon kay NBI Acting Director Angelito Magno, kinasuhan ang lalaki sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children), RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act), grave coercion at grave threats sa Revised Penal Code, lahat ay may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act (RA 10175).

Ayon sa reklamo ng biktima, natuklasan niyang may asawa na ang lalaki at nagkaroon pa ng infidelity. Noong Disyembre 2025, nalaman ng babae na ang kanyang intimate photos at videos ay kumakalat online sa pamamagitan ng mga pekeng social media accounts. Nang tanungin ang lalaki, una siyang nag-deny ngunit kalaunan ay inamin ang pamamahagi ng mga materyales.

Sinabi ng biktima, “He used these images as leverage in forcing me to have sexual intercourse with him in exchange for not releasing the said contents.” Dahil dito, humingi siya ng tulong sa NBI.

Binigyang-diin ni Magno, “The NBI takes violence and abuse against women seriously and will employ its full resources… to ensure that individuals who perpetrate violence, discrimination, or any form of abuse against women will face justice.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here