Home NATIONWIDE 2 patay sa pamamaril sa Novaliches

2 patay sa pamamaril sa Novaliches

245
0

MANILA, Philippines – Dalawa ang nasawi sa nangyaring pamamaril sa Novaliches, Quezon City nitong gabi ng Linggo, Pebrero 1.

Sa ulat, idineklarang dead on arrival ang 28-anyos na motorcycle rider matapos barilin ng dalawang indibidwal na sakay ng motorsiklo.

Tinamaan naman sa insidente ang 24-anyos na criminology student na nagbibisikleta lamang nang mangyari ang insidente.

Nasawi ang estudyante matapos tamaan ng bala ng baril sa leeg.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaril.

Narekober nila ang 11 bullet shells sa Villareal Street kung saan nangyari ang insidente.

Nagsasagawa naman ng hot pursuit operation laban sa mga nasa likod ng krimen. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here