BUKIDNON- PATAY ang isang rider ng BOSS Ironman Mindanao Cup 2026 matapos lumipad ang minamaneho nitong motorsiklo at mahagip ang isang tricycle, kahapon Pebrero 1, 2026, sa bayan ng Kibawe.
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Ronhums Tomuham, 45 taong gulang, at nakatira sa Nabunturan, Davao de Oro.
Nabatid, na pangalawang araw na nagsasagawa ng endurance ride ang BIMC 2026 ng bigla na lamang sumalpok ang biktima sa tricycle na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Sa ngayon wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng BIMC sa naturang insidente habang nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya. Mary Anne Sapico