Home HOME BANNER STORY Trust, performance ratings ni PBBM, bumaba; kay VP Sara, tumaas —OCTA

Trust, performance ratings ni PBBM, bumaba; kay VP Sara, tumaas —OCTA

225
0

MANILA, Philippines – BUMABA ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang tumaas naman ang kay Vice President Sara Duterte base sa resulta ng OCTA Research’s 4th Quarter Tugon ng Masa survey, ipinalabas araw ng Lunes, Pebrero 2.

Ang survey, isinagawa mula December 16 hanggang 20, 2025, makikita na ang trust rating ni Pangulong Marcos ay bumaba ng 9 percentage points mula 57% noong September 2025 ay naging 48%.

Nakakuha naman si Pangulong Marcos ng majority trust ratings sa karamihan sa mga rehiyon maliban sa National Capital Region (NCR) na may 42% at Mindanao na may 36%. Ang kanyang pinakamataas na trust rating ay naitala sa Balance Luzon na may 54%.

Sa kabilang dako, sinabi ng OCTA na may 31% ng mga pinoy ang nagpahayag ng kawalan ng tiwala, pinakamataas na naitala sa Mindanao na may 52%, habang 22% naman ang undecided.

Base sa survey, bahagyang bumaba ang performance rating ng Pangulo mula 54% ay naging 51%. Ang kanyang pinakamataas performance rating ay naitala sa Balance Luzon na may 58% habang ang pinakamababa ay Mindanao ay may 42%.

“Comparisons between the 3rd Quarter and 4th Quarter of 2025 show a decline in trust and a modest decrease in performance ratings for the President across several regions and socioeconomic groups,” ayon sa OCTA.

“Over the same period, the Vice President recorded increases in trust and performance ratings, along with lower levels of ambivalence,” ang sinabi pa rin ng OCTA.

Makikita sa survey results na ang trust rating naman ni VP Sara ay tumaas mula 51% ay naging 53%.

Ang pinakamataas na level of trust ni VP Sara ay naitala sa MIndanao na may 89% habang ang pinakamababa ay naitala sa Balance Luzon na may 36%.

Samantala, 26% ng adult Filipinos ay nagpahayag na ang kawalan ng tiwala kay VP Sara, ang pinakamataas ay naitala sa NCR a may 37% at Balance Luzon na may 34%.

Ayon sa OCTA, makikita rin sa resulta na tumaas ang performance rating ni VP Sara mula 49% hanggang 54%. Ang pinakamataas ay naitala sa Mindanao na may 79% habang ang pinakamababa ay naitala sa Balance Luzon na may 41%

Nakapanayam ng survey firm ang 1,200 male at female adult respondents.

Ang survey ay mayroong ±3% margin of error na may 95% confidence level habang mayroon itong ±6% margin of error para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here