Home NATIONWIDE Isa pang arrest warrant laban kay Atong Ang, ‘di pa inilalabas ng...

Isa pang arrest warrant laban kay Atong Ang, ‘di pa inilalabas ng korte – DOJ

207
0

MANILA, Philippines – Wala pang impormasyon ang Department of Justice sa isa pang warrant of arrest laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang kaugnay pa rin sa nawawalang mga sabungero.

Sa panayam ng media kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, hindi pa naiisyu ng Korte ang isa pang warrant.

Ayon kay Fadullon, inaalam pa nila kung bakit hindi pa nailalabas ng Regional Trial Court ng San Pablo, Laguna ang warrant kay Ang.

“As far as the courts that have not–that the court does not issued the warrant, we still following it up, were trying to find it bakit wala — but nonetheless anyway the first two courts who issued the warrant is all non-bailable offenses,” ani Fadullon.

Hindi rin matiyak ni Fadullon kung may inihaing mosyon ang kampo ni Ang para ipawalang-bisa ang arrest warrant kaya nade-delay o wala pang inilalabas ang naturang korte.

Nauna nang nag-isyu ng arrest warrant ang RTC ng Sta. Cruz, Laguna at Lipa City, Batangas kung saan siya nahaharap sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention.

Hanggang ngayon ay hindi ap rin batid kung nasaan si Ang habang nagpapatuloy ang pagtugis sa kanya na sinasabing nakalabas na umano ng bansa sa pamamagitan ng backdoor. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here