Home NATIONWIDE Amerikanong rapist na tinutugis sa US, arestado ng BI

Amerikanong rapist na tinutugis sa US, arestado ng BI

188
0

LUCENA CITY, Quezon — Kalaboso ang isang Amerikanong pugante na wanted sa kasong panghahalay at sekswal na krimen laban sa menor de edad matapos arestuhin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa isang operasyon sa Lucena City nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng BI ang suspek bilang si “Jan,” 56, isang overstaying at “undesirable” alien na tinutugis ng gobyerno ng Estados Unidos.

Nabatid na naaresto ang dayuhang suspek noong Enero 28 sa Barangay Mayao, katuwang ang Lucena City Police, CIDG, Quezon PPO, at mga intelligence unit ng gobyerno.

Napag-alaman na may standing arrest warrant si “Jan” mula sa Superior Court of Washington (King County) kaugnay ng mga kasong Rape in the Second Degree at Rape of a Child in the Third Degree, bukod pa sa iba pang kaso.

Binawi na rin ng U.S. Department of State ang kanyang pasaporte kaya’t isa na siyang undocumented alien.

Batay sa rekord, huling pumasok sa Pilipinas noong 2023 at hindi na nagpa-extend ng visa. Mayroon din siyang Blacklist at Watchlist Orders ng BI.

Binigyang-diin naman ni BOC Commissioner Joel Anthony Viado na patunay ito ng matibay na kampanya ng ahensya sa ilalim ng #ShieldKids laban sa pang-aabuso at sekswal na krimen ng mga dayuhan.

“Hindi kanlungan ang Pilipinas ng mga mandarambong at pugante. Mahahanap, maaaresto, at maipapadeport ang mga umaabuso sa ating kabutihang-loob,” ani Viado.

Mananatili ang suspek sa BI Warden’s Facility habang dinidinig ang kanyang deportation case. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here