MANILA, Philippines – Nabuo ang isang low-pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Lunes ng umaga, Pebrero 2, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa kabila nito ay may mababang tsansa na maging tropical depression ang naturang LPA sa susunod na 24 na oras.
Huling namataan ang LPA, 1660 kilometro silangan ng northeastern Mindanao.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na wala hanggang isang bagyo ang inaasahan sa PAR ngayong Pebrero.
Kung mabubuong tropical depression ang LPA at papasok sa PAR ay papangalanan itong “Bashang.” RNT/JGC