Home NATIONWIDE Mga ‘di tapos na infra projects sa Albay pinasisigurong matatapos sa 2027

Mga ‘di tapos na infra projects sa Albay pinasisigurong matatapos sa 2027

200
0

MANILA, Philippines – Siniguro ni DPWH Secretary Vince Dizon sa mga taga-Albay na bibilisan ang pagtatapos sa mga hindi pa natatapos na proyektong imprastraktura, tulad ng Maharlika Highway bago matapos ang 2027 o unang bahagi ng 2028.

Kasama sa mga sinuri niya ang 10-palapag na Bicol Regional Hospital and Medical Center, flyover sa Barangay Malabog, at pagpapalawak ng Maharlika Highway sa Guinobatan.

Sinabi niyang atrasado ang hospital project, nasa 36% pa lang ang natapos mula 2023, kaya kailangang bilisan ang trabaho.

Ang flyover project ay 12% pa lang ang natatapos at nangangailangan ng karagdagang pondo.

Bukod dito, iniutos niyang tapusin ang pagpapalawak ng highway sa Guinobatan bago ang Holy Week ngayong taon.

Ang mga proyektong ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas maayos at ligtas ang transportasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here