Bulacan – Arestado ng mga awtoridad sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang Top 6 Most Wanted Person sa Regional Level at Top 1 Most Wanted Person sa Provincial Level sa bayan ng Pulilan nitong hapon ng Pebrero 1.
Sa ulat ni PLTCOL Eisbon L Llamasares. hepe ng Pulilan police station, kinilala ang naarestong akusado na si alyas “Tokne”, 42, single, residente ng Brgy. Poblacion.
Ayon sa ulat, isinilbi ang WOA ng tracker team ng nasabing istasyon katuwang ang PIT Bulacan West-RIU3 bandang 1:00 ng hapon sa nasabing lugar.
Nabatid na ang WOA sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa at Acts of Lasciviousness na may piyansang P200,000.00 ay inisyu noong Enero 21, 2026 ng Regional Trial Court Branch 17, Lungsod Malolos.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa custodial facility ng istasyon habang isinasagawa ang kaukulang dokumentasyon bago ibalik ang warrant sa korteng pinanggalingan nito.
Sinabi ni PCOL Angel Garcillano. Provincial Director ng Bulacan police, ang matagumpay na pag-aresto sa isang mataas na ranggong most wanted person ay patunay ng pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad at patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigang ito. Dick Mirasol III