Home NATIONWIDE Mga barko sa Zamboanga peninsula, Sulu mahigpit na iinspeksyunin ng MARINA

Mga barko sa Zamboanga peninsula, Sulu mahigpit na iinspeksyunin ng MARINA

212
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng maigting na inspeksyon ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga barko na lumalayag sa Zamboanga Peninsula at Sulu.

Partikular na ikinasa ang compliance inspection sa nasabing rehiyon kung saan tatlong barko ang sumailalim sa masusing Maritime Industry Authority (MARINA) Regional Office IX (MRO 9)—dalawa (2) ang roll-on/roll-off (RoRo) vessels at isa (1) ang passenger vessel sa unang araw ng operasyon.

Ayon sa MARINA, magpapatuloy ang compliance inspection hanggang sa masuri ang lahat ng barkong nag-o-operate sa Zamboanga Peninsula at Sulu.

Ikinakasa ang mga inspeksyon alinsunod sa MRO IX Advisory No. 2026-003.

Ayon sa MARINA, layunin ng pinaigting na monitoring na maiwasan ang mga insidente sa dagat at masiguro ang mahigpit na pagsunod ng mga shipping companies at vessel operators sa mga patakaran ng ahensya.

Dagdag pa, sinusuri ng mga inspection team ang tamang pagkaka-stow at pagkakasiguro ng kargamento, availability at kondisyon ng mga kagamitang pangkaligtasan, fire protection at firefighting systems, navigational equipment, gayundin ang propulsion at machinery ng mga barko.

Papatawan naman ng suspensyon ng operasyon at iba pang kaukulang parusa, alinsunod sa umiiral na mga regulasyon ang mga barko na matutuklasanh may kakulangan o paglabag sa itinakdang pamantayan.

Ayon pa sa MARINA, magpapatuloy ang monitoring activities upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero, tripulante, at iba pang stakeholders sa sektor ng maritime transportation.

Hinikayat din ang mga vessel operators na makipagtulungan at mahigpit na sumunod sa mga itinakdang safety requirements. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here