Home METRO Wanted na bebot timbog sa Pasay

Wanted na bebot timbog sa Pasay

229
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City police ang isang babaeng suspek na tinaguriang #7 top most wanted person (MWP) Lunes ng hapon, Pebrero 2.

Kimilal ani Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang nadakip na suspek na si alyas Jennifer, 37, isang receptionist at residente ng Col. Doro St., F.B. Harrison, Pasay City.

Base sa report na natanggap ni De Sesto, napag-alaman na naganap ang pag-aresto kay alyas Jennifer sa ikinasang Manhunt operation/Oplan Galugad bandang alas 2:50 ng hapon sa Sata Corporation Building, Cartimar, Pasay City.

Si alyas Jennifer ay may kinahaharap na kasong illegal recruitment at paglabag sa Art. 315 na may kaugnayan sa Sec. 6 ng R.A. 10175 na nakapailalim sa Criminal Case No. R-PSY-25-02528 to 02529-CR.

Naisakatuparan ang pagdakip sa suspek sa bisa ng isinilbing warrant of arrest ng mga tauhan ng WSS na inisyu noong Disyembre 12, 2025 ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Remiebel Unica Mondia ng Branch 110.

Walang inirekomendang piyansa ang hukom sa kasong illegal recruitment na kinahaharap ng suspek habang sa dalawang counts ng kasong paglabag sa Art. 315 ay mayroon itong rekoemndasyon ng piyansa na nagkakahalaga ng tig-P18,000.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng WSS ang suspek habang naghihintay ng commitment order ng korte sa palipat ng kanyang pagkukulungan s Pasay City jail. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here