Home METRO Remulla: Kaso ng pagpatay sa policewoman, anak ‘case closed’!

Remulla: Kaso ng pagpatay sa policewoman, anak ‘case closed’!

164
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang car dealer at ang kanyang kinakasama ang nasa likod ng pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at sa walong taong gulang niyang anak na si John Ysmael.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, itinuturing ding mga suspek ang kapatid ng partner ng car agent at isa pang kasabwat.

Sinisiyasat pa rin ng mga awtoridad ang posibleng pagkakasangkot ng asawa ni Diane na si Police Senior Master Sergeant John Mollenido, na kasalukuyang tinuturing na person of interest.

“Ayon sa aming imbestigasyon, considered case closed na ito at charges will be filed,” pahayag ni Remulla.

Lumabas sa imbestigasyon na ang krimen ay nag-ugat sa isang pumalpak na bentahan ng sasakyan na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱450,000.

Huling nakita ang mag-ina noong Enero 16 at ini-report na nawawala noong Enero 19.

Natagpuan ang bangkay ni Diane noong Enero 24 sa isang sapa sa Pulilan, Bulacan, na may tama ng bala sa ulo.

Ang katawan naman ng kanyang anak ay natagpuan noong Enero 29 sa isang taniman ng calamansi sa Victoria, Tarlac.

Batay sa paunang ulat ng Southern Police District, papunta ang mag-ina sa Quezon City upang makipagkita sa car agent kaugnay ng bentahan ng sasakyan.

Ayon sa pulisya, inaanak umano ni Diane ang car agent.

Nagsagawa rin ng search warrant ang mga awtoridad sa bahay ng car agent sa Quezon City, kung saan huling nakitang buhay si Diane. Dito, may natagpuang bakas ng dugo.

Ayon pa sa pulisya, may isang suspek na nagsabing nasaksihan niya ang nangyari matapos ang pamamaril sa bahay ng car agent at ng kanyang partner noong gabi ng Enero 16. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here