Home METRO P132-K shabu nasamsam sa bahay ng HVI sa Isabela

P132-K shabu nasamsam sa bahay ng HVI sa Isabela

198
0

ISABELA, Philippines – Umaabot sa P132K halaga ng shabu ang nasamsam sa isang itinuturing na High-Value Individual (HVI) sa ikinasang pagsalakay o search warrant operation sa kanilang bahay ng mga awtoridad sa Barangay 4, San Mateo, Isabela.

Sa pinaigting na kampanya sa illegal drugs ni PCol. Manuel Bringas, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng San Mateo Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit ng Isabela Police Provincial Office, PIT Isabela West ng RIU 2, at ang Philippine Drug Enforcement Agency Region 2.

Batay sa Search Warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 40 sa Cauayan City noong Enero 26, 2026, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Tian,” 38 taong gulang, binata, at residente ng nasabing barangay.

Nasamsam mula sa suspek ang isang itim na transparent na plastic toolbox na naglalaman ng tatlumpu’t dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na may hinihinalang shabu, na may kabuuang timbang na 20.21 gramo at tinatayang Standard Drug Price na ₱131,365.

Maliban sa shabu ay narekober din ang isang heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana o kush na may bigat na 1.97 gramo at halagang ₱1,000 gayundin ang isang timbangan.

Sa isinagawang plain view search, nasamsam din ang dalawampung piraso ng glass tooter at isang self-sealing transparent plastic bag na naglalaman ng iba’t ibang bala—labimpitong piraso ng kalibre 9mm, limang piraso ng kalibre .45, at dalawang piraso ng kalibre .22.

Posibleng mahaharap sa patung-patong na kaso na may kinalaman sa illegal drugs o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at pag-iingat ng mga bala. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here