MANILA, Philippines – Kukunin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pinakamalalaking contractors sa bansa para sa mabilis at matiyak ang de-kalidad na pagsasaayos ng Maharlika Highway.
Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, hindi na kukuha ang ahensya ng maliliit na contractor at sa halip ay kukunin ang mga kilalang contractor para sa pagsasaayos ng economic backbone ng bansa.
Kasunod na rin ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking matatapos ang rehabilitasyon ng Maharlika Highway sa loob ng dalawang taon.
Ayon kay Dizon nagpahayag ang nasabing mga contractors ng kagustuhang makatulong sa proyekto.
Aniya nakatakda siyang makipagpulong ngayong linggo o sa susunod na linggo.
“I spoke to them, I want to meet them maybe this week or next week and they have expressed interest to help out in the major projects, the priorities of the President, the highest priority of which is Daang Maharlika,” ayon kay Secretary Dizon. Jocelyn Tabangcura-Domenden