Home NATIONWIDE DOJ nagpaalala: LEAs lamang maaaring mangalap ng digital evidence

DOJ nagpaalala: LEAs lamang maaaring mangalap ng digital evidence

173
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Justice (DOJ) na tanging ang mga law enforcement agencies (LEAs) lamang ang maaaring mangalap ng digital evidence sa cybercrime cases dahil ang computer data ay madaling mabago.

Binigyang-diin ni DOJ Acting Secretary Frederick Vida na mahalaga ang tuloy-tuloy na chain of custody upang mapanatili ang integridad ng ebidensya.

Ang Guidelines for Cybercrime Investigation and Prosecution (GCIP) ang magiging pamantayan para sa imbestigasyon at forensic examination.

Sinabi rin niya na ang mga administrative agencies na walang law enforcement power ay hindi dapat lumahok sa crime scene processing o forensic examination.

Dagdag pa, tanging LEAs lamang ang may awtoridad sa pagpapatupad ng cybercrime warrants ayon sa batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here