Home METRO Sanggol pinagpalit ng magulang sa panindang ‘kwek-kwek’

Sanggol pinagpalit ng magulang sa panindang ‘kwek-kwek’

188
0

BULACAN, Philippines – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang sanggol na umano’y ibinenta sa halagang P27,500 ng mga magulang para magkaroon ng puhunan sa kanilang itatayong negosyong street food.

Sa ulat, naaresto sa ikinasang entrapment operation ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang mga magulang sa isang mall sa SJDM noong Pebrero 2.

Nabatid nang tanggapin ang nasa P27,500 na buy-bust money kapalit ng sanggol ay agad silang inaresto ng mga awtoridad sa lugar.

Dahil dito, agad naman tiniyak ng mga awtoridad na patignan ang kalusugan ng 12-araw gulang na sanggol na ibinenta.

Sinasabing nagawa nilang ibenta ang sanggol upang magkaroon ng puhunan para sa negosyong street food gaya ng “kwek-kwek” at fish ball.

Nahaharap ang mga hindi pinangalanang suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng pulisya sa kampo Crame. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here