ISABELA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang tatlong katao matapos makumpiskahan ng hinihinalaang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga P324K na nakatakda sanang ipuslit sa isang checkpoint sa Barangay Antonino, Alicia, Isabela.
Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na paigtingin ang kampanya sa anti-criminality checkpoint ay nahuli ang mga suspek bilang alyas “Leo”, “Lyn”, at “Tope’, na residente ng Brgy. Pulong, San Miguel, Talavera, Nueva Ecija.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 450 rims ng modern tobacco na nagkakahalaga ng ₱324,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 263 ng National Internal Revenue Code, o unlawful possession ng excise-taxed products ng walang kaukulang dokumento. (REY VELASCO)







