Home METRO Ama todas, mag-ina sugatan sa araro ng SUV sa Bulacan

Ama todas, mag-ina sugatan sa araro ng SUV sa Bulacan

207
0

BULACAN, Philippines – Patay ang isang ama habang sugatan ang kanyang asawa at anak na lulan ng tricycle nang aksidenteng mabangga ng rumaragasang SUV sa bayan ng Bulakan nitong tanghali ng Pebrero 2.

Sa ulat, kinilala ang nasawing biktima na si alyas “Manny”, residente ng Brgy. Bambang habang sugatan naman ang asawang si Zen, 40 at anak na 14 anyos.

Ayon sa ulat naganap ang insidente pasado 11:00 ng umaga sa Brgy. San Jose.

Sa nagviral na CCTV footage sa Facebook, kitang rumaragasa ang SUV na Toyota Innova nang aksidenteng banggain ang kasalubong na tricycle sa direksyon papuntang Malolos.

Dahil sa lakas ng bangga, nahati ang tricycle habang napuruhan ang driver at tumilapon ang mag-ina sa gilid ng kalsadang madamo.

Nagtamo umano ng sugat sa nuo, spinal cord, mga legs, braso, multiple fractures at hirap sa paghinga ang nasabing tricycle driver.

Samantalang ang may bahay naman ay nagtamo ng sugat sa ulo, mukha habang ang anak ay may sugat din sa ulo, nagsusuka at sugat sa kanyang mga paa.

Maagap na nagtulong-tulong ang rescue team ng pamalaang bayan, Brgy. San Jose at kalapit barangay para malapatan ng paunang lunas at madala agad sa ospital ang mga biktima.

Sinasabing kalaunan ay binawian ng buhay ang amang driver sa isang ospital na pinagdalhan sa kanya habang patuloy ang gamutan sa kanyang mag-ina.

Sinusulat ito, nagsagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa nangyaring insidente habang nahaharap ang driver ng SUV sa kaukulang kaso. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here