Home NATIONWIDE Social media access ng mga edad 16 pababa ipagbabawal na sa Spain

Social media access ng mga edad 16 pababa ipagbabawal na sa Spain

244
0

SPAIN – Ipagbabawal na ng Spain ang pag-access sa social media ng mga menor de edad o 16-anyos pababa at oobligahin ang mga social media platform na magpatupad ng age verification systems.

Ito ang inanunsyo ni Prime Minister Pedro Sanchez araw ng Martes, Pebrero 3 kasunod ng anunsyo niya ng hakbang upang magkaroon ng ligtas na digital environment.

“Our children are exposed to a space they were never meant to navigate alone… We will no longer accept that,” sinabi ni Sanchez kasabay ng World Government Summit sa Dubai.

Nanawagan din siya sa iba pang bansa sa Europe na magpatupad ng kaparehong hakbang.

“We will protect them from the digital Wild West,” dagdag niya.

Matatandaan na nauna nang nagpatupad ng kaparehong hakbang ang Australia noong Disyembre.

Ani Sanchez, ipakikilala ng pamahalaan ang bagong panukala sa susunod na linggo na pananagutin ang social media executives sa illegal at hate-speech content, maging ang kriminalisasyon ng algorithmic manipulation at pagpapakilala ng illegal content. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here