Home NATIONWIDE Pagiging “biggest tourism economy” ng Pinas, ipinagmalaki ng DOT

Pagiging “biggest tourism economy” ng Pinas, ipinagmalaki ng DOT

224
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na ang Pilipinas ang itinuturing ngayon na pinakamalaking tourism economy sa ASEAN.

Sinabi ng kalihim sa ‘Kapihan sa Manila Bay’ na ang pagiging “biggest tourism economy” ng bansa ay ayon sa pinakahuling economic impact report ng World Travel and Tourism Council.

Base sa report, pinakamataas ang kontribusyon ng Pilipinas sa gross domestic product (GDP) at local employment.

Aniya, lumalabas sa datos na ang bilang ng mga Pinoy na nagkaroon ng trabaho ay katumbas sa 23% ng buong national employment.

Bagamat gumaganda ang sitwasyon o lagay ng turismo sa bansa, hindi naman masabi pa ni Frasco  kung ano ang magiging resulta ngayong taon lalo na’t maraming maaaring mangyari na makakaapekto sa bilang nito.

Sa huli, ibinahagi ni Frasco na nitong taong 2025, nakapagtala ang Pilipinas ng 6.4 milyon na turista pero mas mababa pa daw ito kung ikukumpra sa 8 milyon na bilang bago tumama ang pandemya sa bansa.

Sa isyu naman ng kumalat na tarpaulin ng DOT na may larawan ni Frasco, ipinag-utos na niya sa mga regional offices at LGUs na tanggalin na ang mga ito kung saan ang anumang materials na ilalagay na may mukha ng kalihim ay huwag ng ikabit kahit pa may kaugnayan ito sa turismo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here