Home NATIONWIDE PBBM: Kumpiyansang walang ginawang mali kaya walang legal team sa impeachment

PBBM: Kumpiyansang walang ginawang mali kaya walang legal team sa impeachment

164
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na wala siyang ginawang mali at ang lahat ay naaayon sa batas.

Tinanong kasi si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kung bakit walang binuong legal team si Pangulong Marcos na hahawak sana ng impeachment complaint laban sa Chief Executive.

“So, kumpyansa in a way, yes… pero kung ano man yung mangyayari sa House of Representatives, Committee on Justice, hindi naman po niya alam at hindi po niya hawak yun,” ayon kay Castro.

Pinasinungalingan naman ni Castro ang naging pahayag ng mga kritiko ng Pangulo na kumpiyansa ang huli sa magiging deklarasyon ng House Committee on Justice sa dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang “insufficient in substance.”

“Hindi naman po katotohanan yan eh dahil po kahit po ang iba na hindi lang po talaga supporter ng Pangulo ay nagsabi po na talagang pong mahina at wala pong merito ang nasabing complaint,” ayon kay Castro.

“Nandiyan po yung ibang mga lawyers po. Babanggitin ko na yung iba, si Attorney …De Leon. Nandiyan din po ang mga ibang constitutionalist na nagsabi na mahina po ang nasampa na impeachment complaint laban sa Pangulo,” aniya pa rin.

Samantala, ang mensahe naman ni Castro sa mga naghain ng impeachment complaint laban sa Pangulo na “mas maganda po na naliwanagan na sila. Pero ang sabi ng Pangulo, let’s move forward dahil ang gusto po niya ngayon ay tutukan ang ekonomiya at paano maiaangat ang buhay ng bawat Pilipino.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here