Home METRO Siklista, natagpuang patay sa Cavite

Siklista, natagpuang patay sa Cavite

205
0

CAVITE, Philippines – Isang siklista ang natagpuang duguan at wala ng buhay sa parking area ng isang memorial park sa Silang, Cavite kamakalawa ng umaga.

Ayon sa report, inaalam pa ang pagkakakilanlan sa lalaking biktima na duguan at katabi  ang isang bisikleta na pag-aari nito.

Base sa ulat, bandang alas-7:50 kamakalawa ng umaga nang nakatanggap ng tawag ang Tactical Operation Cnter (TOC) ng Silang Municipal Police Station kaugnay sa isang natagpuang bangkay sa parking area ng Divine Mercy Memorial Park sa Brgy. San Vicente II, ng nasabing bayan.

Agad namang rumesponde ang pulisya kung saan natagpuan ang biktima na nakadapa, tumutulo pa ang dugo mula sa sugat sa kanyang ulo at natagpuan sa tabi nito ang isang bisikleta.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at inaalam ang dahilan at kung sino ang responsable sa pagkamatay ng biktima. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here