Home METRO Jeepney drayber, binaril sa loob ng kaniyang bahay, patay

Jeepney drayber, binaril sa loob ng kaniyang bahay, patay

217
0

CAVITE, Philippines – Namatay habang ginagamot sa Emilio Aguinaldo College (EAC) ang isang 43-anyos na jeepney driver makaraaang pasukin sa loob na kanyang bahay at pagbabarilin ng dalawang di pa nakikilalang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo sa Dasmariñas City, Cavite, Martes ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si alyas Roderick, may live-in partner sa Diamond Village, Salitran 1, ng nasabing lungsod dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa dalawang suspek na nakasuot ng face mask, puting t-shirt, brown na jacket, maong pants at magkaangkas sa isang motorsiklo.

Batay sa ulat, bandang alas-12:30 ng madaling araw nasa loob ng kanyang bahay ang biktima nang pumasok ang suspek hawak ang isang di nabatid na kalibre ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay isinugod sa ospital subalit namatay rin kalaunan.

Base naman kay alyas Maria, live-in partner ng biktima, isang Barangay Chairman ang itinuturo nitong may pakana sa pamamaril sa biktima na umano’y dati nitong manliligaw sa kanya.

Dagdag pa ni Maria na ang biktima at ang dating Barangay Chairman ay dinala sa Imus Police Station makaraang akusahan ng huli ang una ng pagnanakaw at inatake nito gayunman, pinakawalan din ito dahil kakulangan sa ebidensiya. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here