Home ENTERTAINMENT Winwyn, may paglilinaw!

Winwyn, may paglilinaw!

201
0

Manila, Philippines – Inamin ni Miss Universe Philippines first runner-up na nagsaliksik siya tungkol sa MGI All Stars.

Ito ang bagong pagrant ng Miss Grand International Organization na bukas sa mga kababaihan at transwomen “who have distinguisged themselves on international pageant stages, yet have not attained the ultimate title.”

Welcome ang edad 20 hanggang 40 at walang paghihigpit sa marital status o motherhood.

Ani Winwyn, aabangan daw muna niya ang first season.

Ang tanong–is she joining the said pageant?

Nabuhayan kasi ang mga fans ni Winwyn makaraang mag-post siya ng litrato sa Instagram kung saan naka-one-piece swimsuit siya

Bale ba, ang inilagay niyang caption ay: “MUPH season is here…are you ready?”

Sagot niya: “Hindi ako nagpaparamdam kasi nagpo-post lang ako!”

May kaugnayan daw pala ‘yon sa action-drama series ng GMA na sasalihan niya.

“Sa primetime n’yo po ako abangan,” paanyaya ni Winwyn.

Eh, sa MGI All Stars–itutuloy ba niya?

“No, I’m not joining there…not this year. Pero sabi ko nga, never say die…I cannot close any doors!” saad niya.

Pabitin pa niyang sabi: “We’ll never know what’s gonna happen next.

Pero abangan na lang nila ‘yung mag-a-unfold!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here