Home NATIONWIDE Zaldy Co nasa Sweden, walang ipinadalang emissary sa Pinas – abogado

Zaldy Co nasa Sweden, walang ipinadalang emissary sa Pinas – abogado

183
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng abogado ni dating kongresista Zaldy Co na nasa Sweden ang dating mambabatas kung saan personal niyang pinirmahan ang isang petisyon, at itinanggi na nagpadala ito ng mga “emissary” upang makipag-usap sa gobyerno ng Pilipinas.

Ayon kay attorney Ruy Rondain, wala siyang impormasyon sa kasalukuyang kinaroroonan ni Co.

“I do know that he was there for a couple of days kasi pinirmahan nga niya ang mga affidavit [because he signed the affidavits]. But that’s all I know. I don’t know where he was before and after he signed. So that’s a government to government thing. So hindi ako nakikialam dyan [I don’t meddle in those matters],” ani Rondain.

Sinabi rin ni Rondain na nakausap niya kamakailan si Co upang linawin ang mga ulat na nagpadala umano ito ng emissaries para makipagnegosasyon sa gobyerno—na una na rin niyang itinanggi.

“Sabi niya wala. Wala daw siyang pinapadala. Itinutuloy pa rin nila. They’re still assuming that. So sa akin, false assumption yun [He said he has not sent anyone. But they’re continuing to say that…so for me, that’s a false assumption],” ayon kay Rondain.

Dagdag pa niya, “I don’t know where someone got that figure na P57 billion. Ang money involved, amount involved sa Sandigan is only P200, P300 million. He will not offer.”

Naghain si Co ng petisyon sa Korte Suprema na humihiling na ibasura ang kasong inihain laban sa kanya ng Office of the Ombudsman.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Rondain sa petisyon at sinabing kapag ito ay napagbigyan, maaari nang makabalik sa bansa si Co.

“Pag na-dismiss yung cases, yes. Kasi hindi na siya pwede arestuhin.”

Samantala, ilang ari-ariang iniuugnay kay Co, kabilang ang 12 luxury vehicles na nagkakahalaga ng P145 milyon, ay maaari nang ipa-auction. Ang mga sasakyan ay kasalukuyang nasa Independent Commission for Infrastructure compound. Mayroon ding mga water assets tulad ng mga yate at bangka na na-freeze dahil sa umano’y anomalous na transaksyon.

Nakatakda naman sa Pebrero 11 ang auction ng walong luxury vehicles na pagmamay-ari ng mga contractor na sina Pacifico at Sara Dizcaya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here