Home HOME BANNER STORY Pansamantalang suspensyon ng biyaheng pandagat, iniutos ng PCG

Pansamantalang suspensyon ng biyaheng pandagat, iniutos ng PCG

168
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Huwebes ng gabi ang pansamantalang suspensyon ng biyahe ng lahat ng sasakyang pandagat sa timog na bahagi ng Oriental Mindoro at Concepcion, Romblon, dahil sa Bagyong Basyang.

Sa isang Notice to Mariners na inilabas noong Pebrero 5, alas-8 ng gabi, sinabi ng PCG na sakop ng suspensyon ang mga ruta sa Mansalay, Bulalacao, Gloria, Pinamalayan, Bansud, Bongabong, at Roxas sa Oriental Mindoro, matapos itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1.

Ang abiso ay alinsunod sa Tropical Cyclone Bulletin No. 12 ng state weather bureau na nagbabala sa posibleng masamang lagay ng panahon at kondisyon ng dagat dahil sa bagyo.

Paalala ng PCG, ang lahat ng sasakyang pandagat ay pinapayuhang mag-ingat at maging mapagmatyag sa kilos ng tropical depression na maaaring makaapekto sa lagay ng panahon.

Mananatili ang suspensyon ng biyahe hanggang sa gumanda ang kondisyon ng panahon at dagat.

Pinahihintulutan ang mga sasakyang maghanap ng masisilungan, basta’t magsusumite sila ng nakasulat na kahilingan.

Gayunpaman, bawal ang mga pasahero at kargamento habang sumisilong ang mga sasakyan, ayon sa PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here