Home OPINION IMPEACH VS PBBM OKS NA; KAY VP SARA?

IMPEACH VS PBBM OKS NA; KAY VP SARA?

191
0

NAGTAGUMPAY ang mga nagmaniobra para iligtas si Pangulong Bongbong Marcos sa pagkakaalis sa pwesto sa bisa ng impeachment sa loob ng isang taon.

Idineklara ng House justice committee na wala o kulang sa sustansya ang mga impeachment complaint na isinampa laban sa Pangulo.

Wala na ring silbi ang ikatlong impeachment complaint na bigong ihain nina dating Congressman Mike Defensor at ex-Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Sa kabilang banda, may naghain naman ng dalawa ring impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte mula sa kampo ng lahi ng mga Aquino at Makabayan bloc nitong Pebrero 2, 2026.

Gayunman, nagkakaroon ng kalituhan dito dahil sa orihinal na desisyon dito ng Supreme Court noong 2025, dapat makalipas ng Pebrero 6, 2025 ang paghahain dahil sa petsang ito matatapos ang pagbabawal ng paghahain ng dalawang impeachment complaint sa loob ng isang taon laban sa iisang impeachable official.

Kinuwenta ng SC ang Pebrero 6, 2026 mula sa impeachment complaint noong Pebrero 5, 2025.

Sa ikalawang desisyon ng SC sa motion for reconsideration ng Kamara para sa pagkatalo nito sa kasong Pebrero 5, 2025 impeachment complaint, dapat umanong sa Enero 14, 2026 nagtapos ang 1-year bar rule batay sa unang impeachment complaint noong Disyembre 2, 2024.

Dahil sa kalituhan, hinihiling ng House committee on justice sa SC na linawin kung kailan talaga dapat nagtapos ang 1-year bar rule: Enero 14, 2026 o Pebrero 6, 2026.

Nalalagay tuloy sa alanganin ang dalawang inihaing impeachment complaints nitong Pebrero 2, 2026 at walang nakaaalam kung kailan magdedesisyon dito ang SC.

Ang maliwanag, sa unang desisyon, malinaw na sinabi ng SC na Pebrero 6, 2026 nagtapos ang 1-year bar rule at sa ikalawa, wala itong itinakdang petsa rito.

Paano ‘yan, mga bro?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here