Home OPINION GIYERA SA IRAN DAPAT PAGHANDAAN

GIYERA SA IRAN DAPAT PAGHANDAAN

402
0

ANO-ANO na ba ang mga paghahanda ng ating pamahalaan para iligtas sa kapahamakan ang libo-libo, kundi man daan-daang libong Pinoy sa Gitnang Silangan na posibleng maapektuhan ng maaaring giyera sa pagitan ng Iran at United States at Israel sa mga araw na ito?

Wala pang nakatitiyak kung matutuloy o hindi ang giyera ng Iran laban sa United States at Israel.

Ngunit sa ngayon, pinakamaganda pa rin ang maghanda ng lahat ng gagawin sakaling sumiklab ang giyera.

Kung ano-ano ang mga paghahanda, dapat malaman ng lahat, kasama ang mga pamilya ng mga magiging biktima.

MGA DAHILAN NG GIYERA

Matindi ang hidwaan sa pagitan ng Iran at US at Israel dahil sa malalaking interes, lalo na sa parte ng US at Israel laban sa Iran.

Kabilang sa mga interes ng US at Israel ang pagkontrol o direktang paghawak sa gobyernong Iran sa anomang paraan para hindi ito makagawa ng bombang nukleyar laban sa Israel.

Gusto rin nilang angkinin ang yamang langis ng Iran para sa kanilang konsumo at negosyo o pagkakitaan.

Para makamit ang mga ito, kailangan ng US at Israel na palitan ang gobyerno ng Iran at mga namumuno rito.

Kasabay nito ang pagpapaupo nila ng gobyerno at mga namumuno na katulad noong bago mag-1979 na simula ng Islamic government na nagpapatuloy hanggang ngayon.

Noong 1979, pinatalsik ng Islamic government ang gobyerno ng Shah of Iran na tagasunod lamang ng kagustuhan ng US at Israel noon.

Nagbago ang lahat nang madurog ang gobyerno ni Reza Pahlavi na Shah of Iran ng gobyernong Islam sa ilalim ni Ruholla Khomeini.

PWERSANG MILITAR NAG-AANGILAN NA

Malaki ang pwersa ng US na naroroon na malapit sa Iran at naghahanda rin ang Israel para sa giyera habang iniaanunsyo ng Iran na magkasabay nitong dudurugin ang mga pwersa ng US at Israel.

Nitong nakaraang 12-day war na naganap noong Hunyo 2025, nasaksihan natin ang bangis ng digmaan na ikinadamay rin ng Lebanon at Jordan.

Ayon sa isang rekord, may 620 namatay sa Iran, kasama ang 12 scientist at 20 military commander at may 4,870 nasugatan habang may 28 sibilyan ang namatay 3,200 ang nasugatan sa Israel.

Sa ulat naman ng India Today, gaya ng sa Hrana news, may 436 na sibilyang namatay, 435 sundalong namatay at 319 na hindi nakilala habang may kabuuang may kabuuang 4,500 ang nasugatan.

Ganyang kabangis ang giyera ng mga nasabing bansa at maaaring mas mabangis ngayon dahil mas mapanganib na armas ang posibleng gagagamitin sa laban.

MGA PINOY PAANO?

Ngayon, sinasabing buburahin na ng Iran ang Israel, maging ang mga pwersa military ng US.

Kung magkakatotoo ito, paano ang nasa 30,000 Pinoy sa Israel, ang nasa 40,000 sa Lebanon at nasa 260,000 sa Qatar na maaapektuhan din?

Ano-ano na nga ba ang mga paghahanda ng ating gobyerno sa mga Pinoy na maaapektuhan ng giyera, sakaling sisiklab ito?

Huwag sabihin ng mga opisyal ng gobyerno na higit na mahalaga sa kanila ang mga agawan sa kapangyarihan at nakawan sa kaban ng bayang nagaganap ngayon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here