Home METRO Mala-palos na durugista, nakorner sa Bataan

Mala-palos na durugista, nakorner sa Bataan

180
0

BATAAN, Philippines – Nasakote sa pain ng mga awtoridad ang umano’y isang big time na drug personality na supplier ng iligal na droga na mala-palos sa dulas matapos makorner ang suspek sa ikinasang buybust operation ng pulisya nitong Huwebes ng madaling araw sa Barangay Dalao, Dinalupihan.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas “Palos”, 56 anyos na isang High Value Individual (HVI) target sa naturang lugar.

Nabatid na ang suspek ay ilan beses na rin pabalik-balik (labas-pasok) sa kulungan makaraang mahulian umano ng malalaking malalaking halaga ng iligal na droga at Baril sa mga nagdaang serye ng operasyon ng mga awtoridad laban dito.

Pero sa sandaling nakakalaya at sa kabila ng isang baldadong kamay at karamdaman (Diabetic) muling bumabalik umano ito sa iligal na gawain ng pagtutulak ng ipinagbabawal na droga kung saan ay nagiging madulas na ito sa patibong ng mga awtoridad.

Aminado ang suspek sa paggamit umano ng iligal na droga, nasukol dinĀ  siya Ng manghina at makaramdam umano ng panlalabo ng kanyang mata at antok (lowbat) Kaya hindi na nito alam na undercover police na pala ang ka-transaksiyon.

Narekober sa suspek ang nasa higit 24 grams ng suspected shabu na may standard drug price na higit P165,000, marked money na ginamit sa buybust at isang kalibre 22 na baril.

Kaya Balik kulungan ulit ang suspek at muling kakaharapin nito ang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here