MANILA, Philippines – Tinamaan ng ligaw na bala ang isang 25 anyos na babae habang kumakain ng hapunan sa loob ng kanilang bahay sa Pandacan, Maynila noong Pebrero 5.
Nangyari ang insidente pasado alas 6 ng gabi sa Maligaya Street sakop ng Barangay 867.
Sa imbestigasyon, katatapos lamang umanong maglaba ng biktima nang makarinig ng putok ng baril.
Hindi naman inakala na tinamaan na siya ng ligaw na bala sa paa.
Ilang sandali pa, bigla na lamang siyang bumagsak sa sahig at saka lamang napansin ang dugo na dumadaloy sa kanyang kaliwang paa.
Agad siyang naisugod sa ospital at nakatakdang sumailalim sa operasyon.
Patuloy naman ang follow up operation ng mga awtoridad upang matukoy ang taong nagpaputok ng baril. Jocelyn Tabangcura-Domenden