DAVAO CITY, Philippines – Ayon sa Davao City Veterinarian’s Office (CVO), nakumpiska nila ang mahigit 27,600 kilo ng iligal na karne at 503 kilo ng iligal na isda noong 2025 sa pamamagitan ng regular na inspeksyon sa pamilihan.
Pinatupad ng CVO, sa pamumuno ni Acting City Veterinarian Dr. Gay Pallar, ang Food Safety Act of 2013 upang protektahan ang kalusugan ng mga mamimili.
Pinayuhan ni Dr. Pallar ang publiko na bumili lamang ng karne at isda na may tamang inspeksyon certificate at iwasan ang produktong galing sa hindi rehistradong slaughterhouse o huli sa ilegal na paraan. RNT/MND