Home HOME BANNER STORY Sotto: Pag-alis kay Imee bilang Senate Foreign Relations chair, isa sa “trigger”...

Sotto: Pag-alis kay Imee bilang Senate Foreign Relations chair, isa sa “trigger” sa tangkang pag-alis sa kanya bilang SP

205
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ang pag-alis kay Sen. Imee Marcos bilang chairperson ng Senate Foreign Relations Committee ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng tangkang palitan sa Senate leadership.

Paliwanag ni Sotto, ang tensyon ay tumindi dahil sa mainit na diskusyon tungkol sa China at mga pahayag ng ilang opisyal na nakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China.

Si Sen. Erwin Tulfo ang pumalit bilang bagong chairman ng committee matapos ang caucus ng majority bloc, na nagpasya na ang isang major committee ay dapat hawakan ng miyembro ng kanilang grupo.

Samantala, ang di-opisyal na draft report ng Senate Blue Ribbon Committee na naglalaman ng posibleng rekomendasyon laban sa tatlong senador ay isa rin sa nag-agitate sa ilang miyembro at nag-ambag sa tangkang ouster.

Ani Sotto, ang minority bloc ay mas interesado sa committee chairmanships kaysa sa aktwal na Senate presidency, at walang sapat na boto—hindi umabot sa 13 senators—upang palitan siya.

Dagdag niya, dati na ring inalok ang Senate presidency kay Sen. Loren Legarda, ngunit tumanggi ito. May plano raw na gawing unang babaeng Senate President si Legarda pagkatapos ng pagpasa ng 2027 national budget o pagsapit ng 2028.

Mga senador na hindi pumirma sa resolusyon laban sa pahayag ng China ay sina Imee Marcos, Rodante Marcoleta, Chiz Escudero, Joel Villanueva, Robin Padilla, Bato dela Rosa, Bong Go, Pia Cayetano, at Alan Peter Cayetano. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here