MANILA, Philippines – Sugatan ang 15 katao matapos tumagilid ang pampasaherong jeep na sinasakyan nila malapit sa Ruiloba Street at Mabini Bridge sa Sampaloc, Maynila noong Biyernes ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isang lasing na pasahero ang sumakay sa tabi ng tsuper nang biglang hawakan ang manibelo na naging sanhi ng pagtagilid ng pampasaherong jeep.
Maagap naman nakatugon ang mga rescue team at dinala ang mga sugatan sa Philippine Orthopedic Center, Jose Reyes Memorial Hospital, at Ospital ng Sampaloc para sa karagdagang gamutan.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden