Home METRO Government employee, arestado sa pagbebenta ng shabu sa DavSur

Government employee, arestado sa pagbebenta ng shabu sa DavSur

172
0

DAVAO DEL SUR, Philippines – Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Digos City, Davao del Sur ang isang government employee na umano’y nagtitinda ng crystal meth o “shabu” noong Huwebes ng gabi, Feb. 5.

Kinilala ang suspek bilang 59-anyos na empleyado ng provincial government na may alyas na “Kol.” Naaresto siya sa isang buy-bust operation sa Purok Bayanihan, Barangay Zone 2 bandang 8:15 p.m.

Ayon sa PDEA, ang suspek ay nahuli matapos makumpleto ang transaksyon sa undercover agent, at nakumpiska ang shabu na nagkakahalaga ng P8,000, pati na rin limang plastic sachet na may tinatayang 9 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P72,000. Narekober din ang marked money.

Ang mga nakumpiskang kagamitan ay isinailalim sa documentation at laboratory examination.

Ani PDEA Regional Office 11 Director Benjamin Gaspi, ang pag-aresto sa isang government employee ay patunay sa kanilang paninindigan na panatilihing ligtas at drug-free ang komunidad.

Kasama sa operasyon ang PDEA Regional Office 11 at ang Provincial Drug Enforcement Unit ng Davao del Sur Police Provincial Office.

Haharapin ng suspek ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here