Home HOME BANNER STORY Pag-alis ng mga “epal” signage, tarpaulin ng mga politiko, pagiigtingin ng PNP

Pag-alis ng mga “epal” signage, tarpaulin ng mga politiko, pagiigtingin ng PNP

226
0

MANILA, Philippines – Naglunsad ang Philippine National Police (PNP) ng crackdown laban sa mga signage at tarpaulin na may pangalan at larawan ng mga politiko sa mga proyekto at ari-arian na pinopondohan ng gobyerno.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin nito na protektahan ang integridad ng pampublikong serbisyo.

“Ang pera ng bayan ay para sa bayan. Government projects should never look like they are owned by a person. They belong to the Filipino people.”

Iniutos niya na agad alisin ang anumang materyal na nagpapakita ng personalidad ng opisyal sa mga proyekto at programa ng gobyerno. “No excuses. Hindi natin dapat ginagamit ang serbisyo publiko para sa personal na pagpapakita o pagpapakilala.”

Ang direktiba ng PNP ay nakasaad sa memorandum noong Feb. 2, na nakabatay sa DILG Memorandum Circular 2026-006. Ang mga opisyal at kawani na hindi susunod ay pananagutin alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.

Binanggit ng DILG na ang 1987 Konstitusyon, Code of Conduct, at 2026 General Appropriations Act ay malinaw na nagbabawal sa paglalagay ng pangalan at larawan ng opisyal sa mga proyektong pinondohan ng gobyerno.

Lahat ng opisyal at kawani ay inatasang magpatupad agad ng pag-alis at pagwasto sa mga hindi sumusunod na materyales, at ang mga pinuno ng tanggapan ay mananagot sa buong pagsunod sa direktiba. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here